Halos 100 drug suspects sa Cebu sumuko kasabay ng Duterte inauguration

 

Aabot sa 100 drug suspects at dealers ang sumuko sa iba’t ibang presinto ng pulisya sa Lapu-Lapu at Mandaue.

Sa Lapu-Lapu City lamang, 75 katao na mga may kinalaman sa iligal na droga ang sumuko sa headquarters ng pulisya ng kanilang lungsod, Huwebes ng hapon.

Nang matanggap ni Senior Supt. Arnel Libed ang impormasyon kaugnay sa pagsuko ng mga suspek, agad siyang nagsagawa ng programa sa Lapu-Lapu City Tourism Building kung saan inimbitahan nila ang mga dating drug addicts para ibahagi ang kanilang mga testimonya.

Umaasa naman si Mayor Paz Radaza na tutulong na sa kanilang kampanya kontra iligal na droga ang mga sumuko sa kanila.

Samantala, siyam na katao naman ang sumuko sa iba’t ibang presinto ng pulis sa Mandaue City dahil umano sa takot na sila ay mapatay.

Nararamdaman na kasi ng mga suspek ang mas pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa iligal na droga, kung saan maraming suspek na ang napatay.

Read more...