(Reuters)
Isang Filipino at 23 iba pang bihag ng Hamas ang pinakawalan kahapon.
Ayon sa ulat ng Qatar na nagsilbing tagapamagitan sa gulo ng Israel at Hamas, ang 24 na bihag ay unang batch pa lamang.
Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nakatutuwa na isa ang Filipino na si Gelienor “Jimmy” Pacheco ang nakalaya mula sa kamay ng mga rebelde.
“I am overjoyed to confirm that a Filipino, Mr. Gelienor “Jimmy” Pacheco, was among the first group of 24 hostages released by the Hamas yesterday,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“He is now safely in the custody of officials in our Israel Embassy,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Una nang namagitan ang Qatar sa gulo ng Hamas at Israel kung kaya napalaya ang 24 bihag.
Kabilang sa mga nakalaya ang 13 Israelis at 10 Thais.
“I salute the work of the Philippine Foreign Service in securing his release, and once again thank the State of Qatar for their invaluable assistance in making Jimmy’s release possible,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Isa pang Filipino sa Gaza ang patuloy na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.
“We remain concerned over the whereabouts of our other national, Ms. Noralyn Babadilla, and are sparing no effort to locate and secure her if she is indeed found to be one of the hostages,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Patuloy ang panalangin ni Pangulong Marcos na matuldukan na ang gulo at mapalaya na ang lahat ng mga bihag.