Dermalog kakasuhan ng Verzontal

 

Sasampahan ng civil at criminal complaints ng Filipino construction firm na Verzontal Builders Inc. (Verzontal) ang German information technology firm na Dermalog.

Ito ay dahil sa payment issue ng kompanya.

Nabatid na ang Verzontal ay isa sa mga Joint Venture Agreement partners na kasama sa P3.14 bilyong Land Transportation Management System project ng Land Transportation Office.

Ayon kay Attorney Ricardo Gao Pronove III, legal advisor ng Verzontal, hustisya ang hanap ng kanilang hanay.

Hindi kasi aniya nagamit ang legal options para matiyak na maibubulgar ang mga corrupt practices ng Dermalog.

Hindi raw kasi nabayaran ng Dermalog ang 25 percent sharee ng Verzontal kahit na nakumpleto na ang civil, mechanical, at electrical works na kinakailangan para sa LTMS project.

Pinaniwala din aniya ng Dermalog ang Verzontal na nasa P278 milyon lamang ang electromechanical work gayung nasa P390 milyon ang nakasaad sa kontrata.

Sabi ni Pronove, ibabase ng kanilang hanay ang kasong sibil sa hindi pagbayad ng Dermalog sa serbisyo partikular na ang pagpapatayo ng IT center ng LTO habang ang kasong criminal ay ibabase naman sa ilegal na aktibidad ng Dermalog sa LTMS project.

Sa ngayon, inaayos na ang kaso at isasampa sa korte bago matapos ang taong kasalukuyan.

Ikinadidismaya ng Verzontal ang biglagng pag-terminate ng Dermalog sa JVA nang walang paalam sa kanila.

“We don’t want to partner with them anymore because they are conducting [it] illegally. They are violating the contract,” pahayag ni Pronove.

Read more...