Mas mabigat na parusa sa paglabag sa Kasambahay Law inirekomenda ni Tolentino

Inilabas na ang final committee report ng Senate Committee on Justice and Human Rights ukol sa nangyaring pang-aabuso sa isang kasambahay sa Occidental Mindoro.

Nakasaad sa report ang rekomendasyon ni Sen. Francis Tolentino, ang namumuno sa komite, na pabigatin ang mga parusa sa mga lalabag sa batas.

Nais niya na hanggang 20 taon ang pagkakakulong at multa na hanggang P5 milyon ang dapat na igawad na kaparusahan.

Nakapaloob ito sa 100-pahinang committee report kaugnay sa mga isinagawang pagdinig sa pagmamalatrato kay Elvie Vergara, na nabulag dahil sa diumanoy pananakit sa kanya ng mag-asawang amo.

Ayon pa kay Tolentino nararapat din na amyendahan ang Batas Kasambahaya upang maiwasan na ang mga katulad na pang-aabuso.

Dapat na rin aniya na repasuhin ang mga obligasyon at tungkulin ng PNP Women’s Desk.

Kabilang din sa rekomendasyon ang paglista ng barangay sa lahat ng mga kasambahay sa kanilang nasasakupan at dapat ay maisumite ito sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR) at sa pambansang pulisya.

 

 

Read more...