Kita ng Philippine Ports Authority umangat ng 30%

 

Hindi pa natatapos ang taon ngunit higit 30 porsiyento na ang itinaas ng kita ng Philippine Ports Authority (PPA).

Ang P20.06 bilyon ay mataas ng 30.19% kumpara sa kinita ng PPA noong Enero hanggang Oktubre ng nakaraang taon.

Ayon pa sa ahensiya ang pagtaas ng husto ng kanilang kita ay bunga ng mas mataas na bilang ng mga cargo vessel na dumaong sa ibat-ibang seaports sa bansa.

Noong nakaraang buwan, ang kinita ng PPA ay P2.25 bilyon na higit pa sa kanilang target na P2.18 bilyon.

Kasabay nito, tumaas din ang paggasta ng PPA mula noong Enero hanggang noong nakaraang buwan sa halagang P3.60 bilyon na mas mataas ng 46.39% kumpara sa kanilang nagasta sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Samantala, hanggang noong nakaraang buwan din, may 74 proyekto pa ang ikinakasa ng PPA.

Pinasalamatan naman ni PPA Gen. Manager Jay Santiago ang kanyang mga opisyal at kawani sa pagsasabing ang magagandang datos ay bunga ng kanilang maayos na pagta-trabaho.

Nabatid na ang mataas na kita ay maituturing na makaysaysayan sa loob ng halos limang dekada nang pagkakatatag ng PPA.

 

Read more...