Labing tatlong hostage o bihag sa Gaza ang pakakawalan ngayong araw.
Ayon sa pahayag ng Qatar na nagsilbing tagapamagitan sa gulo ng Israel at Hamas, magkakaroon ng tigil putukan para bigyang daan ang palitan ng bihag at mga bilanggo.
Magsisimula ang tigil putukan ng Biyernes ng 7:00 ng umaga (0500 GMT) kung saan pakakawalan ang 13 civilian hostages. Kinabibilangan ito ng mga babae at mga bata. Ayon sa ulat, ito ang unang batch ng mga bbihag na pakakawalan ng Hamas. Nasa 50 na bihag ang target na palayain.
Kasunod nito, pakakawalan naman ang tatlong Palestinian prisoners na nakakulong sa Israeli jails.
Humihirit din ang Hamas na bigyan ng tulong ang may 2.4 milyong residente sa Gaza na apektado ng gulo. Kulang na raw kasi sa tubig at pagkain ang mga ito.