Nakiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pamilyang naulila sa 6.8 magnitude na lindol sa General Santos City.
Pangako ni Pangulong Marcos, hindi sila pababayaan o aabandonahin ng pamahalaan sa gitna ng mga pagsubok na dala ng likas na kalamidad.
Patuloy aniya ang pagbibigay ng gobyerno ng mga kinakailangang tulong sa mga biktima ng lindol, kasama na rito ang pamamahagi ng mga hygiene kits, paghananap ng pansamantalang tirahan ng mga ito, at sapat na suplay ng tubig sa mga apektado ng pagyanig.
Hinimok din ng Presidente ang mga residente na huwag mag-atubiling ipaalam sa pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan.
Kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita sa Generaal santos City kahapon sina sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., at DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Samantala, tiniyak din ng Pangulo na magpapatuloy ang relief efforts ng gobyerno sa Northern Samar at Mindanao.