Jessy Mendiola, itinanghal na FHM ‘sexiest woman in the Philippines’ ngayong taon

Jessy Mendiola
Inquirer file photo

Itinanghal ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola bilang “sexiest woman” ngayong taon ng sikat na men’s magazine.

Ito ang lumabas sa inanunsyong resulta ng FHM ngayong araw para sa kanilang 2016 poll na isinagawa noong April 1 hanggang June 15.

Sa partial unofficial result ng 100 sexiest woman in the Philippines na inilabas ng FHM noong June 11, nanguna dito si Jessy habang pumangalawa naman ang kapwa ABS CBN actress na si Nadine Lustre.

Nagpasalamat naman si Jessy sa lahat ng bumoto sa kanya na nagin dahilan para siya ang manalo.

Sinabi rin ng 23 year old actress na hindi lamang sa pisikal na kaanyuan nakikita ang pagiging sexy ng isang babae, kundi sa ugali nito at pagkatao.

Matatandaang noong nakaraang taon, ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado ang itinanghal na sexiest woman in the country at nasa ika-dalawampu’t tatlong puwesto lamang si Jessy.

Read more...