Walo katao patay sa sunog sa India

mumbai indiaPatay ang walo katao habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos tupukin ng apoy ang isang drugstore sa Mumbai, India.

Ayon kay Mumbai police spokesman Ashok Dudhe, pinaniniwalaang nagsimula ang sunog dahil sa short circuit sa kuryente.

Hinihintay lamang aniya nilang matapos ang ginagawang imbestigasyon sa insidente upang mabatid ang totoong dahilan ng sunog na sumiklab kaninang umaga.

Itinuturing ang nasabing insidente na pinaka malubhang sunog na naganap sa Mumbai sa mga nakaraang taon.

Matatandaang nasunog din ang isang high-rise apartment block kung saan pito ang nasawi makaraang na-trap sa elevator noong June 2015.

Bago pa ito, isa pang sunog ang tumupok naman sa isa pang gusali sa Mumbai kung saan pitong bumbero naman ang namatay habang inaapula ang apoy.

Read more...