(Photo: MMDA)
Nagpadala na ang Metro Manila Development Authority ng 40-man contingent sa Northern at Eastern Samar.
Ito ay para tulungan ang mga biktima ng baha dulot ng shear line at low pressure area.
Ayon kay MMDA acting chairman Attorney Don Artes, bumiyahe ang contingent ngayong araw.
Binubuo ito ng Public Safety Division at Road Emergency Group.
Magsasagawa aniya ang mga tauhan ng MMDA ng humanitarian at relief operations.
Sabi ni Artes, bawat grupo ay may dalang 30 units ng solar-powered water purification systems.
Bawat unit aniya ay kayang mag-filter ng 180 galon ng tubig kada oras.
“With the lack of potable water supply in the area, our team’s main task is to set up water filtration systems in communities with limited to zero supply of clean water to drink,” pahayag ni Artes.
“This is in response to the directive of President Marcos to extend humanitarian assistance to our kababayans in Northern and Eastern Samar who have been severely affected by heavy flooding,” dagdag ni Artes.
Mananatili aniya ang mga tauhan ng MMDA sa Samar hanggang kinakailangan.
Una nang nagdeklara ng state of calamity ang Northern at Eastern Samar dahil sa matinding pagbaha.