Assumption ceremony para sa bagong hepe ng PNP, kasado na bukas

Ronald Dela Rosa2Eksakto alas nueve ng umaga bukas nakatakdang isagawa ang assumption ceremony para sa bagong hepe ng pambansang pulisya na si Chief Supt. Ronald Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, pag-upong pag upo niya bukas ay agad niyang pipirmahan ang order ng pagtatalaga ng mga bagong opisyal mula sa kanyang Directorial Staff Command Group hanggang sa mga Regional Directors.

Ani Gen. Bato, nasa labing anim hanggang sa labing walong Regional Directors ang papalitan sa puwesto pero tumanggi muna siyang pangalanan ang mga ito.

Pero ayon kay Bato, may ilang mga opisyal naman ang mananatili sa pwesto gaya ni Police Director Gen. Francisco Uyami, na mananatili bilang Deputy Chief for Administration.

Itatalaga naman si Police Director Benjamin Magalong bilang Deputy Chief for Operation habang ang Chief of Directorial Staff naman ay si Chief Supt. Ramon Apolinario na naging contender sa pagka-PNP Chief.

Read more...