Tax justice inihirit ng multisectoral grassroots organizations

 

(Photo: John Louie Abrina)

 

Tax justice.

Panawagan ito ng multisectoral grassroots organizations at peoples’ movements sa pamahalaan ng Pilipinas at buong Asya.

Sa kilos protesta na isinagawa ng grupong Sanlakas, Aniban ng mga Manggagawa sa Agrikultura (AMA), Oriang, Kilusan para sa Kabuhayan, Kalusugan, Kalikasan at Katiyakan sa Paninirahan (K4K), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita sa Lungsod (KPML), Freedom from Debt Coalition (FDC), at Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD) sa harap ng Senado, sinabi ng mga ito na ang kanilang pagkilos ay bahagi ng Asia Days of Action for Tax Justice.

Panawagan ng grupo sa mga senador, pakinggan ang kanilang hinaing.

Nakagugulat ayon sa grupo ang naging desisyon ng Department of Finance na lumagda sa G20’s Base Erosion and Profit-Shifting (BEPS) Framework.

Umapela rin ang grupo sa mga senador na alisin ang lahat ng confidential funds sa 2024 national budget at ilaan ang pondo sa basic public services gaya ng healthcare at edukaasyon.

 

Read more...