Inagurasyon ng bagong pangulo at pangalawang pangulo, generally peaceful ayon sa PNP

Duterte Robredo
Inquirer file photo

Naging mapayapa o generally peaceful ang naganap na inagurasyon ng bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa ngayong araw.

Bagaman mayroong naganap na mga rally at demonstrasyon partikular sa bahagi ng Mendiola sa Maynila, hindi naman ito nakaapekto sa okasyon.

Paglilinaw ni Philippine National Police spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, iginagalang ng pambansang pulisya ang karapatan ng mga raliyista.

Samantala, posibleng magtuloy tuloy na ang alert status ng PNP lalo na’t bukas ay isasagawa naman ang assumption ceremony sa bagong hepe ng pambansang pulisya sa katauhan ni Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Gaganapin ito sa Camp Crame kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...