Presyo ng 152 na noche buena items, tumaas

 

Ilang araw na lamang Pasko na.

Pero ngayon pa lamang, tumaas na ang presyo ng mga pang noche buena.

Ayon kay Trade Assistant Secretary Amanda Nograles, nasa 152 na pang noche Buena item ang tumaas na.

Halimbawa na ang sikat na pang handa tuwing pasko, ang ham.

Ayon kay Nograles, tumaas ng P25 ang ham habang P10 ang itinaas ng spaghetti sauce.

Nasa P49 ang itinaas ng presyo ng cheese, P33 ang keso de bola, P30 ang mayonnaise at P13 ang salad macaroni.

Kahit nagtaasan na ang presyo, sinabi ni Nograles na nasa isa hanggang limang porsyento lamang ang itinaas ng mga pang noche buena items ngayong taon. Mas mababa pa rin ito sa 11 porsyento na pagtaas ng presyo noong nakaraang taon.

Kung may pagtataas sa pang noche Buena, sinabi ni Nograles na nasa 21 na produkto naman ang nagbaba ng presyo habang nasa 34 na produkto ang nag retain sa presyo.

Read more...