Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Filipino na makiisa sa paglikha ng mga solusyon para maibsan ang epekto ng climate change.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa paggunita sa 16th Annual Global Warming and Climate Change Consciousness Week.
Sabi ni Pangulong Marcos, malinaw nang nakikita ngayon ang epekto ng climate change.
Kaya naman hinimok nito ang Climate Change Commission na epektibong ipalaganap ang tema ng aktibidad ngayong taon na pagkakaisa at kooperasyon para sa mas matatag at adaptable na bansa.
Hinikayat rin nito ang mga Filipino na makiisa sa paglikha ng mga solusyon para maibsan ang epekto ng global warming at climate change.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na may papel ang bawat isa sa misyong ito kaya kailangang magtulungan para mapangalagaan ang ating planeta.
“The impact of global warming and climate change is becoming more evident in our present time. Rising temperatures, extreme weather events and a decline in biodiversity are stark reminders of the need to quickly respond to this immediate environmental concern,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We all have a role to play in this mission. So we must work together, take a stance in support of our planet. Let us be involved in creating solutions to mitigate the effects of global warming and climate change,” dagdag ni Pangulong Marcos.