Paolo Duterte, nagpaliwanag sa ipinost na family picture na wala si Kitty

Duterte family photo
Photo from Vice Mayor Pulong Duterte’s Facebook page

Ipinaliwanag si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kung bakit nagpost siya sa Facebook ng larawan ng pamilya Duterte na wala ang kasalukuyang partner ng kanyang ama na si Honeylet Avancena at ang kanilang anak na si Veronica Duterte o mas kilala sa pangalang Kitty.

Ayon kay Vice Mayor Duterte, may sariling family picture sina Honeylet at Kitty kasama si Pangulong Duterte.

Makikita sa nasabing larawan si Pangulong Rodrigo Duterte katabi ang dating asawa na si Elizabeth Zimmerman sa kaliwang bahagi at anak na si Inday Sara Duterte sa kanang bahagi.

Kabilang din sa larawan ang ilang immediate damily ni Duterte at mga asawa at anak ng mga ito.

Mula sa RTVM ang larawan ni Pangulong Duterte kasama sina Honeylet at Kitty na kinunan bago magsimula ang inagurasyon.

Sa mga oras na ito, umani na ng mahigit 22,000 likes at 3,000 shares ang nasabing larawan.

Matatandaang nauwi sa annulment ang dalawampu’t limang taong pagsasama bilang mag-asawa nina Duterte at Zimmerman noong 2000.

 

Read more...