Nailipat na sa regular items ang ipinanukalang P280 million confidential and intelligence funds ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nabunyag ito sa deliberasyon sa Senado ng proposed 2024 budget ng kagawaran kaninang madaling araw.
Ipinaliwanag ni Sen. Grace Poe, ang sponsor ng budget ng DICT, na nagawan naman ng paraan na mailipat ang pondo sa line item budget ng kagawaran.
Ayon sa senadora bunga nito maari nang mabusisi ng Commission on Audit (COA) ang pagkakagastusan ng pera kasabay nang pagtugon sa mga pangangailangan ng DICT.
At sa halip na P300 million, tinapyasan pa ito ng P20 million.
Ilan lamang sa nakinabang sa hakbang ay ang National Computer Emergency Response Team, na tumanggap ng P72.3 mllion, ang National Security Operations Center (P48.2M), Extended Detection and Response para sa advance anti-virus systems (P79.7M) at manpower (P19.8M).