Bumaba ang bilang ng mga Filipino na nakaranas ng pagkagutom.
Ayon sa Social Weather Stations, nasa 9.8 percent na lamang ang nakararanas ng isang beses na pagkagutom sa huling tatlong buwan noong Steymbre, mas mababa kumpara sa 10.4 percent na naitala noong Hunyo.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1 kung saan nasa 1,200 na adults ang sinurvey sa buong bansa.
Ayon sa SWS, ang Visayas at Balance Luzon ang nakapagtala ng pagbaba ng bilang ng pagkagutom.
Bumaba din ang bilang ng mga Filipino na mahirap.
Mula sa 10.8 percent na naitala noong Hunyo, nasa 7.7 percent na lamang ito noong Setyembre.
MOST READ
LATEST STORIES