P2.08 milyong halaga ng fisheries equipment nasira ng 6.8 magnitude na lindol

 

 

Umabot na sa P2.08 milyong halaga ng ari-arian ang nasira dahil sa 6.8 magnitude na lindol na tumama sa Sarangani.

Ayon sa ulat ng Department of Agriculture, kasama sa mga nasira ang 44 na bangka at 220 na fishing gears.

Sabi ng DA, nasa 44 na mangingisda sa Sarangani ang naapektuhan ng lindol.

Wala namang naiulat na nasira na agriculture commodities at imprastraktura na maaring makaapekto safood supply system sa bansa.

Tiniyak naman ng DA na may nakahandang tulong sa mga apektadong mangingisda.

 

Read more...