Sarangani niyanig ng 4.9 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang Glan, Sarangani kaninang 3:28 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 57 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa General Santos City habang Intensity III naman sa Tupi, South Cotabato at Maasim sa Sarangani.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

 

Read more...