Tinuturing na “milestone” ni Bacolod City Mayor Albee Benitez ang nakatakdang pagpasok ng distribution utility na Negros Electric and Power Corportion(NEPC) sa buong lalawigan ng Negros na hindi lamang magbibigay daan para magkaroon ng maasahan at murang kuryente ang mga residente at mga negosyo bagkus nakatuon din para mapangangalagaan ang kalikasan dahil sa paggamit ng renewable energy sources.
Ayon kay Benitez, kanila nang inaasahan ang positibong pagbabago na ihahatid ng NEPC sa Bacolod City.
“In line with the approval of the Joint Venture Agreement with Cental Negros Electric Cooperative(CENECO), the city looks forward to the entry of NEPC. Promising to bring cheaper and more efficient power supply—-most of all going completely green”pahayag ni Benitez.
“NEPC aims to implement eco-friendly practices and promote renewable energy sources within our city. By embracing cleaner alternatives and reducing carbon emissions, NEPC endeavors to contribute to the sustainability goals of Bacolod, fostering a greener future for generations to come”dagdag pa nito.
Ani Benitez, wala syang nakikitang sagabal sa paglipat ng prangkisa ng CENECO sa NEPC lalo at suportado ito ng mga residente, mga negosyante , local government units at ibat ibang sector kabilang ang mga Non Governmental Organizations.
Ang Bacolod City ay isa sa mga lugar sa Negros na nakakaranas ng palagiang brownout at isa sa may mataas na power rates sa bansa dala ng matatas na fuel cost at palyadong distribution system, inirereklamo din ang mahinang customer service.
Isa din ang Bacolod sa mga major economic hub sa bansa subalit dahil sa mataas na singil sa kuryente ay nagiging hadlang ito sa pagpasok ng mga investment at bagong negosyo, giit ni Benitez, sa pagkakaraoon ng maayos na power supply ay inaasahan na makatutulong ito sa paglago ng ekonomiya ng siyudad.
Ang House Bill 9310 na nagsusulong na mabigyan ng prangkisa ang NEPC para maging power distributor sa siyudad ng Bacolod, Bago, Silay at Talisay, gayundin sa munisipalidad ng Murcia at Don Salvador Benedicto ay kasalukuyang dinidinig ng House Committee on Legislative Franchises na pinamumunuan ni Paranaque Rep. Gus Tambunting.
Hinihintay na lamang ng komite ang isusumiteng mga dokumento ng NEPC, CENECO, Energy Regulatory Commission(ERC) at National Electrification Administration(NEA) at inaasahang maaparubahan na ang panukala sa committee level, pagkaraan nito ay isasalang na sa deliberasyon sa plenaryo.
Ang House Bill 9310 ay inakda mismo ng mga kongresista sa Negros sa pangunguna nina Negros Occidental 3rd District Rep. Francisco Benitez, Rep. Juliet Marie Ferrer (fourth district), Abang Lingkod Partylist Rep. Stephen Paduano at Bacolod Rep. Greg Gasataya.
Umaasa si Benitez na bago matapos ang taon ay maaprubahan na ng Kongreso ang prangkisa upang masimulan na agad ang rehabilitasyon sa buong distribution system ng CENECO.
Una nang sinabi ni Primelectric Holdings Inc President Roel Castro na nasa P2.1 Billion investment sa capital expenditures ang kanilang ilalagak sa NEPC.
“it is aimed at putting up cutting-edge and top-of-the-line systems for a better consumer experience. We need to rehabilitate the system because if you don’t put in the investment, you will be inheriting a distribution system that is just the same as now that is inefficient. That’s why we have to put in P2.1 billion to start rehabilitating and improving the system,”paliwanag ni Castro.
Sa oras na maaprubahan ang legislative franchise ay kasunud na hihingi ang NEPC ng certificate public safety convenience and necessity (CPSCN) mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), bago ang pagtake-over nito sa CENECO.