Mga nagpatalsik kay dating Pangulong Marcos Sr. hindi na kailangan patawarin

 

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na kailangan na patawarin pa ang mga taong responsable sa pagpapatalsik xz pwesto ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na naging dahilan ng exile ng kanyang buong pamilya sa Hawaii.

Ayon sa Pangulo, kung sa paniniwala ng mga taong nagpatalsik sa kanyang ama at ginawa lamang ang mga dapat na gawin ay hindi na kailangan ang kanyang patawad at hindi na masisi ang mga ito.

Nasa Hawaii ngayon si Pangulong Marcos bilang bahagi ng kanyang isang linggong biyahe sa Amerika para sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit.

Sabi ni Pangulong Marcos, layunin lamang ng kanyang pagtungo sa Hawaii ngayon ay para mabisita ang mga matatagal ng kaibigan na tumindig at sumama sa kanila sa oras ng kagipitan.

“These were the people who fed us, they brought us clothes. They brought us food. If not because of them, I don’t know what would have happened to us,” sabi ni Pangulong Marcos.

“I don’t need to forgive them, I never blamed them. I hope by now you have realized I don’t take things personally,” dagdag ng Pangulo.

 

Read more...