Pangulong Marcos inimbitahan na bumisita sa Peru

 

Inimbitahan ni Peruvian President Dina Boluarte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa Peru.

Ito ay para gunitain ang pagkakatatag ng pormal na relasyon ng Pilipinas at Peru pati na ang layunin na dahlhin sa South American country ang Filipino investment.

“And I would also like to take this opportunity to invite you officially for [an] official State Visit to Peru, to celebrate 50 years of our bilateral ties and next year it is going to be 50 years. So, we’d be honored if you can pay a state visit to us to commemorate,” pahayag ni Boluarta sa bilateral meeting kay Pangulong Marcos sa San Francisco, California.

“And so, we look forward to welcoming you to Peru with open arms and warm heart to have that brotherly and sisterly treatment between our countries,” pahayag ni Boluarta.

Sabi ni Boluarte, ang Peru ay isang very stable country na may pinakamababang inflation sa rehiyon.

Inimbitahan din ni BOluarte si Pangulong Marcos na dumalo sa Asia-Pacific Cooperation (APEC) 2024 para makita ang kultura ng Peru.

Sabi ni Boluarte, magbubukas ang Peru ng embahada sa Pilipinas. Taong 2003 nang isara ng Peru ang kanilang embahada sa Pilipinas dahil sa pagtitipid o austerity program.

“This will be a very important step in shortening the distance and shortening time in order to continue the ties between the Philippines and Peru,” pahayag ni Boluarte.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Boluarte.

“It is important especially as you are taking over the chairmanship for the next round of conferences,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Especially, we are looking forward to coming to Lima, to Peru for the APEC but, of course, thank you again for your very kind invitation to come— to be with you to celebrate the 50th anniversary of our relations— of our formal relations between Peru and the Philippines,” dagdag ni Pangulong Marcos.

 

 

Read more...