Quake inspections and assessments inihirit ni Revilla sa DPWH

 

Pinagbilinan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpadala ng inspection teams sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 6.8 earthquake kahapon.

Magugunita na malaking bahagi ng Mindanao ang nakaramdam ng naturang pagyanig ng lupa pasado alas-4:14 ng hapon.

Diin ni Revilla napakahalaga na masuri at matiyak ang kondisyon ng mga istraktura at imprastraktura para sa kaligtasan ng mamamayan.

“While there are only minor damage apparent now, it is important to ensure that no structural damage were sustained by buildings and bridges, kaya nga agad nating inatasan ang DPWH na siguruhing ligtas ang mga istruktura,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Public Works.

Sinabi din nito, napakahalaga  na magsagawa ng tuluy-tuloy na assessment sa lahat ng mahahalagang pampublikong imprastraktura sa buong bahagi ng bansa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Read more...