Labis na nabahala si Senator Christopher “Bong” Go sa mga ulat na may itinataboy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mga humihingi ng tulong.
Sa deliberasyon ng pondo ng kagawaran sa susunod na taon, nalaman ni Go na umaabot pa sa P4.3 bilyon na inilaan na P16 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang hindi pa nagagamit.
“I heard that DSWD has been turning away validated indigents. Once they are validated that means they belong to the poorest of the poor,” aniya.
Apila ng senador hindi na dapat pahirapan pa ang mga mahihirap at agad silang bigyan ng kinakailangan nilang tulong.
Nabanggit din niya na sa 159 Malasakit Centers sa buong bansa, 13 ang walang kinatawan mula sa DSWD dahil na rin sa kakulangan ng social workers.
Si Go ang nagsulong ng pagpapatayo ng Malasakit Center sa ibat-ibang bahagi ng bansa para magsilbing “one stop shop” ng mga mahihirap na pasyente.