P374M inilaan para sa mga bagong bodega ng mga produktong-agrikultural

SENATE PRIB PHOTO

Kabilang sa napaglaanan ng pondo ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatayo ng mga bagong storage facilities para sa mga produkto ng mga magsasaka.

Ibinahagi ito ni Sen. Cynthia Villar sa pagdepensa niya sa 2024 budget ng kagawaran.

Ayon kay Villar, siyam na mga bodega ang itatayo at ang mga ito ay may kabuuang halaga na P374 milyon.

Aniya ang mga ito ay itatayo sa Pangasinan, Nueva Vizcaya, Isabela, Nueva Ecija, Pampanga., Tarlac, Oriental at Occidental Mindoro.

Sa nakalipas na limang taon, 16 pasilidad na ang naipatayosa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Nabunyag lamang na bagamat ibinilin ang mga pasilidad sa mga kooperatiba, mga “middlemen” ang lubos na nakikinabang sa mga ito kayat walang mapag-imbakan ang mga magsasaka.

Read more...