“Agila” satellites para sa pagpapalakas sa internet connections naselyuhan sa Amerika

 

Magkakaroon na ng satellites ang Pilipinas na laan para sa pagpapalakas ng internet connections sa mga liblib na lugar.

Ito ay matapos lagdaan ng Astranis Space Technologies Corporation ng Amerika at Orbits Corporation ang partnership agreement sa sidelines ng Asia Pacific Cooperation Summit sa San Francisco, California sa Amerika.

Sa ilalim ng kasunduan, idi-deploy ang dalawang “Agila” Microgeo Internet Satellites na laan lamang sa Pilipinas.

Nasa 10 milyong users ang makikinabang sa internet service sa 30,000 barangay na unserved at underserved areas.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. malaking tulong ito para sa Pilipinas.

Nasa 400 milyong dolyar investments ang magagawa nito sa susunod na walong taon at makalilikha ng mahigit 10,000 trabaho.

Ayon kay Pangulong Marcos, magsisilbi itong tulay sa mga agwat na digital connectivity tungo sa digital transformation.

 

Read more...