Clean energy pag-aaralan ng Pilipinas at USNC

 

Nagkasundo ang Manila Electric Co. (Meralco) at Ultra Safe Nuclear Cooperation (USNC) na magsagawa ng Pre-Feasibility Study sa Micro-Modular Reactors (MMRs).

Ito ay para mapalawak ang clean and sustainable energy options sa bansa.

Iprinisenta ng Meralco at USNC ang kasunduan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Ritz Carlton Hotel sa San Francisco, California sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit.

Ayon kay Pangulong Marcos, isang malaking hakbang ang kasunduan para mas maraming pagpilian ang bansa sa sustainable energy.

Sabi ni Pangulong Marcos, nakahanay ang kasunduan na bawasan ang greenhouse gas emissions at palakasin pa ang resilience ng bansa sa climate change.

Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang Meralco at USNC ng feasibility study para sa posibleng deployment ng Micro Modular Reactors sa Meralco sites.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ng estimate ang Meralco ng environmental at social impact, capital expenditure, operational costs at iba pa para sa sasiting, construction, at operasyon ng isa o higit pang MMR energy systems sa Pilipinas.

 

 

Read more...