Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. global at regional economic governance platforms gaya ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) ay makalilikha ng kapayapaan.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pagbubukas ng APEC CEO Summit sa San Francisco, California, sinabi nitong sa pamamagitan ng solidong pondasyon sa ekonomiya ay maaaring maiwasan ang sigalot dahil sa pagkakaroon ng kasaganaan at mauunlad na mga bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, para makamit ito, kailangang suportahan ng APEC member economies ang mga panukala at desisyon na magtataguyod ng kooperasyon tungo sa pagkakapantay-pantay.
Ayon sa Pangulo, bilang nangungunang regional forum sa Asya-Pasipiko, dapat magsilbi ang APEC bilang incubator ng innovative ideas, gabay para sa mga solusyon sa mga isyung pang-kalakalan, at entablado para sa responsive economic and trade policies.
Kailangan rin anyang patuloy na isulong ang partnership sa pribadong sektor sa pamamagitan ng APEC Business Advisory Council (ABAC), at iba pang stakeholders.
Higit sa lahat, sabi ni Pangulong Marcos, dapat nagkakaisang kumikilos para sa mas malawak pang pag-unlad.