Resulta ng Bar exam ilalabas sa Disyembre 5

 

Ilalabas na ng Supreme Court ang resulta ng 2023 Bar Examinations sa Disyembre 5, 2023.

Pinapayuhan ng SC ang mga kumuha sa pagsusulit na mag-abang sa mga official channels ng Kataas-taasang Hukuman.

Una nang itinakda ng SC sa Disyembre 22 ang oath taking at roll signing ceremonies sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Nasa P5,190 ang bayad sa admission at certificate fees.

 

Read more...