Apat na mangingisda nawawala sa Pangasinan

 

Nagsagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Air Force (PAF) sa apat na nawawalang mangingisda sa Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan.

Nabatid na sakay ang apat na mangingisda ng motorbanca na Pepito 3.

Matapos makatanggap ng ulat na nawawala ang mga mangingisda, agad na nakipag-ugnayan ang PCG sa PAF para gamitin ang air assets sa search and rescue operations.

 

Read more...