Mga programa ni Pangulong Marcos sa DA matagumpay na napalakas ang produksyon ng palay

 

Ramdam na ng bagong liderato sa Department of Agriculture (DA) ang matagumpay na bunga ng mga direktiba at inisyatibo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para palakasin ang produksyon ng palay sa Pilipinas.

Pangunahing bahagi sa pamumuno ni Pangulong Marcos bilang dating Secretary of Agriculture ay ang pagpataw ng mga direktibang pabor sa Pilipinong magsasaka at kontra sa importasyon.

Dalawang linggo matapos ipasa ang pwesto ng DA Secretary kay Francisco Tiu Laurel Jr., inanunsyo ng ahensya na ‘di lang sapat ang abot-kayang bigas sa merkado kundi naging magandang taon din ng pag-ani  ang 2023 para sa mga magsasaka.

Kasama sa mga kautusan ni Pangulong Marcos sa DA ay ang libreng binhi, pataba, tulong pinansyal at teknikal na suporta sa mga magsasaka.

Itinaas din ni Pangulong Marcos ang farmgate price ng palay sa mga Pilipinong magsasaka. Pinabili ito sa National Food Authority sa mataas na presyo, ngunit ipinabebenta naman nang mura sa merkado.

Bilang bagong DA Secretary, tiniyak ni Tiu Laurel Jr. sa Senado na ipagpapatuloy nila ang mga nasimulang “pro-farmer policies” ni Pangulong Marcos sa ahensya.

Tututukan din ng DA ang kahilingan ni Pangulong Marcos na palakasin ang lokal na produksyon ng bigas at iba pang produkto sa pamamagitan ng modernisasyon, improved logistics at unti-unting pagtanggal ng mga middleman.

Read more...