US trip ni Pangulong Marcos Jr., para sa Ph innovation ecosystem
Malaking tulong sa innovation ecosystem ng Pilipinas ang biyahe ni Pangulong Marcos Jr. San Francisco Bay Area sa Amerika.
Nasa Amerika ngayon si Pangulong Marcos Jr., para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperatjon Summit (APEC).
Sa kanyang talumpati sa Filipino community, kinilala ng Pangulo ang California bilang mahalagang trade at investment partner ng Pilipinas.
Aniya kabi-kabilang business meetings ang dadaluhan ng kanyang delegasyon sa sidelines ng APEC meetings at target nila ang exchanges at partnerships na naka-angkla sa national innovation agenda framework ng bansa.
Binanggit rin nito ang energy security sa mga sektor na prayoridad matalakay sa kanyang pakikipagpulong sa mga business company sa Amerika.
Umaasa si Pangulong Marcos na sa loob ng apat na araw nilang pananatili sa San Francisco ay maseselyuhan ang mga kasunduan sa iba’t ibang kumpanya sa larangan ng digital infrastructure and connectivity, renewable energy, electronics manufacturing, health at tourism.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.