Agri courses graduates dapat bigyan ng lupa – Pangulong Marcos
METRO MANILA, Philippines — Upang magkaroon ng mga bagong magsasaka sa bansa, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nararapat lamang na bigyan ng kanilang sariling lupa ang mga nagtapos sa mga kurso na may kaugnayan sa agrikultura.
Sinabi ito ni Marcos nitong Huwebes sa pamamahagi ng certificates of land ownership award (CLOA) sa 1,217 agrarian reform beneficiaries sa Coron, Palawan.
Idiniin ni Marcos na lubhang kailangan ng bansa ng mga bagong henerasyon ng mga magsasaka para lubos na mapag-unlad ang sektor ng agrikultura.
BASAHIN: Sen. Imee Marcos nais akitin mga kabataan sa agrikultura
“Kailangan natin ng mga magsasaka. Kayat kasama po sa charter ng Agrarian Reform Program na lahat ng mga kabataan na dumaan at naging estudyante na dumaan sa kurso ng agrikultura ay mabibigyan din ng lupa upang yung kanilang natutunan ay meron silang paglalagyan, meron silang magagamit na lupa para magamit naman nila ang bagong natutunan tungkol sa agrikultura,” sabi pa ni Marcos.
Aminado ito na marami sa mga kabataan ngayon ang hindi alam ang kahalagahan ng agrikultura sa kaunlaran ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.