Incoming Vice President Robredo maagang naghanda para sa inagurasyon

Leni oath
Photo: Isa Umali

Sa isang condominium unit sa Quezopn City nagpalipas ng magdamag si incoming Vice President Leni Robredo kasama ang kanyang mga anak.

Pasado alas-kwatro ng umaga ay gising na ang susunod na pangalawang pangulo ayon sa pahayag ng kanyang mga staff.

Alas-otso naman ng umaga ay tumulak na sa Quezon City Reception House ang kanyang mga kaanak naka check-in sa ilang mga kalapit na hotel.

Sa lugar kung saan manunumpa si Robredo ay selyado na rin ang seguridad.

Pati ang ruta na dadaanan ng convoy ni Robredo ay bantay-sarado na rin sa mga tauhan ng Philippine National Police.

Kabilang sa mga dadalo sa panunumpa ni Robredo ay ang kanyang mga kasamahan sa Liberal Party sa pangunguna ni dating DILG Sec. Mar Roxas, Sen. Franklin Drilon , Speaker Sonny Belmonte at Sen. Bam Aquino.

Si Kris Aquino ang kakatawan para kay outgoing President Noynoy Aquino.

Sinasabing tatagal lamang ng halos ay sampung minuto ang magiging talumpati ni Robredo.

 

Photo: Isa Umali
Read more...