NEPC nangako ng maayos na serbisyo ng kuryente sa Negros

INQUIRER PHOTO

Asahan na ng mga residente ng Negros provinces ang mas madalang na brownout at murang kuryente sa mga susunod na taon.

Ito ay sa sandaling maaprubahan ang House Bill 9310 na nagsusulong na mabigyan ng prangkisa ang Negros Electric and Power Corporation (NEPC) na naglalayong magsimula ng electric power distribution system sa Bacolod, Silay, Talisay,  Bago at munisipalidad ng Murcia at Don Salvador Benedicto sa Negros Occidental.

Sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises sa pamumuno ni Parañaque Rep. Gus Tambunting ay nagmosyon si PBA Partylist Rep Margarita Nograles na aprubahan “in principle” ang panukala at pinagsusumite ng mga kaukulang dokumento ang Energy Regulatory Commission, National Electrification Administration, Securities and Exchange Commission, Central Negros Electric Cooperative (CENECO), at Primelectric Holdings Inc.

Ayon kay Primelectric Holdings Inc. President Roel Castro agad silang tatalima sa kautusan ng komite.

Aniya malaki ang magiging pakinabang sa mga residente sa oras na maaprubahan ang prangkisa ng NEPC lalo pa at nahaharap sa malaking problema ang supply ng kuryente sa Negros sa ilalim ng pangangasiwa ng CENECO.

“The electric service is not really that good; they have frequent brownouts, and when I say ‘frequent’, it’s normal to say that it’s daily. It takes them months to comply when you apply for a new connection. There’s a lot of complaints, and over and above that, their system loss is already beyond the cap. And when the systems loss is above the cap, it means that it is being passed on to the bottomline consumers, and CENECO is already losing P20 to P30 million a month,” paliwanag ni to.

Ang CENECO ay  48 taon nang nag-ooperate at sa ilalim ng kanilang prangkisa ay mayroon pa itong 7 taon o hanggang 2030, subalit para mapagbuti ang serbisyo ng CENECO ay pumasok ito sa Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng Primelectric Holdings Inc., ang sister company ng More Electric and Power Corporation(More Power), ang distribution utility na nagooperate sa Iloilo City.

Ang NEPC ay nabuo sa JVA at ito ngayon ang syang humihingi ng legilative franchise sa Kamara. Sa ilalim ng NEPC ang 30% ownership ay mananatili sa CENECO habang ang Primelectric ay bibilihin ang 70% assets nito.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Castro sa kakayahan ng NEPC na mabago ang power supply sa Negros, aniya, nagawa nila ito sa Iloilo.

“With all confidence, I am saying that because we were able to do that in Iloilo. In the last three years, we were able to bring down systems loss to only 5%. We also curtailed the duration of interruptions by over 90%. In terms of rates, our rate is the lowest within the region. The number of customers increased from 62,000 when we started, and now it’s 93,000 over three years. I would say that the approach to rehabilitate and make a turnaround is something we have done in Iloilo, and now we aim to do the same in Negros,” paliwanag ni Castro.

Read more...