Fishkill sa Cavite binabantayan ng PCG

PCG PHOTO
Lumutang ang maraming patay na isda sa karagatan sakop ng Barangay 61 sa Cavite City noong Lunes. Base sa impormasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG), karamihan sa mga lumutang na isda ay mga tilapia. Ipinaalam na ng PCG sa lokal na pamahalaan ang insidente gayundin sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa kinauukukang hakbang. Nakapagsagawa na ang BFAR ng water sampling para madetermina ang ugat ng insidente. Samantala, hinakot na ang mga patay na isda at dinala sa isang Material Recovery Facility. Nagpapatuloy naman ang monitoring ng PCG sa sitwasyon.

Read more...