Ayon kay TPF convenor Primo Morillo dapat lamang na ibasura ang naturang petisyon ng transport groups at hinikayat ang gobyerno na gumawa ng mga hakbang na may benepisyo sa mga kumukita sa public transport sector gayundin sa bahagi ng mga konsyumer.
Binanggit niya na maaring maging alternatibo ang pagsuspindi sa excise tax sa mga produktong-petrolyo.
Katuwiran ni Morillo hindi dapat dagdagan pa ang pasanin ng mga konsyumer sa pamamagitan ng dagdag sa pasahe.
Dagdag pa nito, dapat din ibasura ang petisyon na dagdag P1 sa pasahe sa bawat kilometro ng biyahe.
Sinimulan na ang LTFRB ang pagdinig para sa mga naturang petisyon.
Sa ngayon ay epektibo pa rin ang pansamantalang P1 dgadag pasahe sa jeep.