Pagtataboy ni Win sa POGO suportado ng intelligence agency

SENATE PRIB PHOTO

Pinagtibay ng posisyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang panawagan ni Senator Sherwin Gatchalian na agarang pagpapalayas sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

“NICA’s position on POGO operations should strongly prompt the government to move for the complete termination of POGOs’ activities,” ani  Gatchalian.

Suportado din ng NICA ang posisyon ng economic managers ng gobyerno, gayundin ng pambansang pulisya.

“The closure or permanent suspension of POGO and its related illegal activities will help reduce human trafficking, forced labor, kidnapping, and other crimes in the country. The Philippines will no longer be a hub of an industry that’s prohibited in other countries. Additionally, it will resolve the issue of not being aware of the number of Chinese nationals in the country as their entry is facilitated by corrupt personnel,” ang pahayag ng NICA na binasa ni  Sen. Sonny Angara, ang sponsor ng 2024 budget ng ahensiya.

Sa deliberasyon ng 2024 budget ng NICA sa Senado, naibahagi na nagpapatuloy ang human trafficking sa Pilipinas at ilan sa mga kaso ay iniuugnay sa POGOs.

Matagal nang isinusulong ni Gatchalian ang pagpapatigil ng POGOs sa bansa dahil sa pag-uugnay sa ibat-ibang krimen gaya ng prostitusyon, forcible abduction, homicide, illegal detention, kidnapping-for-ransom, theft, robbery-extortion, serious physical injuries, swindling, grave coercion, at sa mga online frauds and scams.

 

Read more...