Pambansang pondo dapat gastusin ng maayos – Go

SENATE PRIB PHOTO

Napakahalaga ayon kay Senator Christopher Go na magastos sa tamang pamamaraan ang pambansang pondo.

Sinabi pa niya na dapat ay maging prayoridad sa pagbalangkas ng pondo ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno ang kapakanan ng mga mahihirap na Filipino.

“So far, we are on the right track, ‘yung schedule ay nasusunod naman po. I am actively participating sa deliberation… at tuluy-tuloy po akong sasali sa deliberation as vice chair ng Committee on Finance,” aniya kaugnay sa nagpapatuloy na deliberasyon sa Senado ng pondo ng mga ahensiya para sa susunod na taon.

Pinuri niya si Sen. Sonny Angara sa paghawak nito ng deliberasyon bilang namumuno sa Senate Committee on Finance, gayundin ang mga kapwa senador.

“Ang importante dito ay matugunan natin ang pangangailangan po ng ating mga kababayan. At isa lang po ang aking apela sa aking mga kasamahan sa Senado, sa Kongreso, tingnan po nang mabuti at walang masayang na pera po ng gobyerno,” diin ni Go.

Dagdag pa niya na maraming Filipino ang nahihirapan dahil sa mataas na halaga at suplay ng mga pangunahing bilihin.

“Naghihirap po ang Pilipino, marami pa po ang nahirapan, walang trabaho. Baka po pwede unahin natin ang makakatulong po sa mahihirap, sa pagkontrol ng epekto ng inflation, at sa pag-create po ng more jobs at kabuhayan,” aniya.

 

Read more...