Ang pagpayag ng korte sa petisyon ni dating Senator Leila de Lima na makapag-piyansa sa kinahaharap na drug case ay patunay ng pagiging “independent” ng hudikatura.
Ito ang sinabi ni Sen. Imee Marcos kaugnay sa pansamantalang kalayaan ng dating senadora.
Dagdag pa nito, ang mga korte sa bansa ay korte ng batas at katarungan bukod sa walang kinikilingan na personalidad.
Pinagtibay din aniya ito ang kanyang posisyon na walang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga Filipino, kasama na si dating Pangulong Duterte.
Diin niya walang karapatan na sumawsaw ang ICC sa sistemang pangkatarungan sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES