Bagyo sa labas ng PAR naging LPA na lang

Isa na lamang low pressure area (LPA) ang binabantayang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Base sa 5am tropical cycle bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang LPA ay huling namataan sa distansiyang 1,620 kilometro silangan ng timog-silangan Mindanao.

Kumikilos ito sa bilis na 10 kilometro kada oras sa direksyon ng Timog-kanluran.

Ngunit ayon kay weather specialist Grace Castañeda maaring muling maging tropical depression ang LPA sa mga susunod na araw at papasok sa PAR bukas o sa Huwebes.

Maari din aniya na magdulot ito ng malakas na pag-ulan sa silangan bahagi ng Visayas at Mindanao sa mga sususunod na araw.

 

Read more...