Nakawan ng baterya sa network facilities ikinabahala ng Globe

INQUIRER PHOTO

Labis na naaalarma ang Globe sa pagdami ng mga naiuulat na nakawan ng battery sa kanilang mga network facilities.

Ayon sa Globe sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon, 834 insidente na ang naitala. Ito ay maas ng 2.4 uli kaysa sa 352 kaso sa kabuuan ng 2022.

Sa Mindanao naitala  ang pinakamaraming insidente na may 424, kasunod ang Visayas na may 363 at ang Greater Manila Area na may 47.

Mahalaga ang mga baterya bilang backup power sa panahon ng area-specific commercial power outages, partikular kapag may kalamidad.

“Battery theft, especially those brazenly carried out during the day, are a stark reminder of the challenges we face. While we’re dedicated to ensuring 24/7 reliability, the increasing incidents of battery theft undermine our ability to maintain uninterrupted service, especially during power outages,” sabi ni Mike Honig, Globe Head of Network Field Maintenance for GMA.

Habang nakikipag-ugnayan ang Globe sa mga lokal na awtoridad, hinihikayat nito ang local government units (LGUs) na magsagawa ng random inspections sa kanilang mga lugar dahil makikinabang din ang mga komunidad sa pangangalaga sa mga kagamitan ng telecom providers.

Binalaan din ng Globe ang publiko na ang pagbili ng mga nakaw na gamit o ari-arian ay may kaakibat na parusa. Ang mga mahuhuling nakikipagsabwatan sa pagbili at pagbebenta ng mga ari-arian ay mahaharap din sa kaso. A

Read more...