Leila de Lima laya na

 

 

Matapos ang anim na taong pagkakabilanggo, nakalabas na ng kulungan sa Camp Crame, Quezon City si dating Senador Leila de Lima.

Ito ay matapos payagan ni Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206  Judge Gener Gito na makapag-piyansa si de Lima sa kinakaharap na kasong illegal drugs.

“Sweet freedom” ang unang naging pahayag ni de Lima nang makalabas ng kulungan.

Hindi naiwasan ni de Lima na maiyak nang payagan ng korte ang hirit na makapagpiyansa.

Sabi ni de Lima, noon pa man, sumisigaw na siya ng hustisya sa hindi makatarungan na pagkakabilanggo.

Nakulong si de Lima noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umanoý pagtanggap ng pera mula sa mga nakakulong na drug lord sa National Bilibid Prison.

 

Read more...