Siyam na bilanggo na tumakas sa Tondo, Manila balik kulungan na

(Photo: MPD)

 

Balik kulungan na ang siyam na bilanggo na tumakas sa Manila Police District Station 1 SA Tondo, Manila noong Nobyembre 8.

Ito ay matapos maaresto si Jefferson Bunso Tumbaga sa Soldires Hill, Narra Street. Molino Road, Bacood, Cavite kaninang 2:15 ng umaga.

Ayon sa MPD, nagsagawa ng operasyon ang kanilang hanay sa pangunguna ni Police Lt. Colonel John Guiagui sa naturang lugar.

Matatandaang sinira ng mga bilanggo ang rehas ng kulungan at tumakas.

Nahaharap sa kasong illegal drugs, illegal possession of firearms at robbery ang siyam na bilanggo.

 

Read more...