Matibay na ekonomiya, iiwan ng Aquino administration

 

Malacañang Photo Bureau

Bagaman hindi siya nakalusot sa mga kaliwa’t kanang batikos, hindi naman mapagkakaila na marami ring nagawa ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa bansa, partikular na sa larangan ng ekonomiya.

Tiningnan ng ilang mamamayan ang mga naiambag ni Aquino sa bansa base sa araw-araw nilang karanasan tulad ng presyo ng langis at iba pang bilihin, ang sitwasyon sa MRT o LRT, hanngang sa traffic.

Ayon sa ilan, bumaba ang presyo ng LPG sa ilalim ng administrasyong Aquino, ngunit hindi naman makakalimutan ng karamihan ang hirap nila sa araw-araw na biyahe dahil sa masaklap na sitwasyon ng pampublikong transportasyon.

Pero sa ilalim ng kaniyang administrasyon, naging “rising tiger” of Asia ang Pilipinas na dating tinawag na “sick man” of Asia dahil sa biglang pag-ganda ng ekonomiya.

Sa kaniyang administrasyon rin nagkaroon ng credit upgrade ang Pilipinas na kinakitaan ng pagiging competitive ng bansa sa iba pang mga bansa.

Tumaas rin ang nakalaang pondo para sa edukasyon, kalusugan, social welfare, pati na rin sa modernization ng militar.

Kapansin-pansin rin na mas bumi-biyahe na sa mga lokal na destinasyon pati na sa ibang bansa ang mga Pilipino kumpara noon.

Dahil dito, tiyak na ang iiwanan ni Pangulong Aquino ay isang pamahalaang may matibay na ekonomiya sa kabila ng mga palpak pa ring serbisyo sa mga mamamayan.

 

Read more...