Base sa weather forecast ng PAGASA, Miyerkules ng hapon, magiging maulap ang himpapawid na sasamahan ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila.
Ito ay dala ng intertropical convergence zone (ITCZ) na umiiral sa Southern Luzon at Visayas.
Makakaranas rin ng pag-ulan na may kasamang kulog at kidlat sa Central Luzon, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Northern Mindanao at Visayas.
Magkakaroon rin ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin at pag-ulan sa iba pang bahagi ng bansa.
Mahina hanggang katamtamang lakas ng hangin naman mula sa kanluran patungong timog-kanluran ang iiral sa Mindanao ngayong araw.