288 housing units sa Bacolod, ibibigay sa Disyembre

 

(Photo: DHSUD)

Ibibigay na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Bacolod City local government ang 288 yunit na pabahay sa Disyembre.

Ayon kina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Bacolod City Mayor Albee Benitez, pagtupad ito sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bilisan ang implementasyon ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.

Ayon kay Acuzar, ito ang kauna-unahang pabahay na matatapos sa ilalim ng flagship program ni Pangulong Marcos.

Ininspekyon na nina Acuzar at Benitez ang pabahay sa Yuhum Residences sa Barangay Vista Alegre.

“These (housing units) serve as our President’s Christmas gifts to the beneficiaries,” pahayag ni Acuzar.

Nabatid na nasa final stage na ang konstruksyon ng pabahay.

“Dahil po sa pagpupursigi ni Mayor Benitez kaya naging matagumpay ang proyektong ito. Maswerte ang mga taga-Bacolod dahil sa inyong masipag na mayor,” pahayag ni Acuzar.

“Malaki po ang role ng mga LGUs sa Pambansang Pabahay, mula umpisa hanggang sa dulo ng proyekto ay sila po ang talagang nasa frontline,” dagdag ng kalihim.

 

 

Read more...