NGCP bumuwelta sa ERC sinabing kinapos sa “regulatory reset”

 

 

Hindi makatuwiran.

 

Ito ang tugon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang ilan sa kanilang mga pinagkakagastusan.

 

Diin ng NGCP, mismong si ERC Chair Monalisa Dimalanta na ang umamin sa kanilang kabiguan na magsagawa ng “regulatory reset,” na dapat isinagawa tuwing ika-limang taon.

 

Sinabi ni NGCP Asst. Vice President Cynthia Alabanza na nag-ugat ang isyu sa hindi pagtugon ng ERC sa kanilang dalawang kahilingan para sa “regulatory reset.”

 

“Bago ka maglaro, dapat alam mo ang rules, kaya to apply this retroactively, inisip namin na kulang sa fairness iyung ganung desisyon,” ani Alabanza.

 

Ayon pa kay Alabanza hindi lamang sa NGCP may epekto ang desisyon ng ERC kundi sa mga negosyo at konsyumer.

 

“At the end of the day, ang dapat na binabalanse dito is yung concerns ng consumer at ang karapatan niya sa mainam at magandang serbisyo sa tamang presyo. Kailangan din timbangin ang concern ng isang negosyante o mamumuhunan para makakuha ng wastong returns sa kanyang ipinuhunan,” dagdag pa nito.

 

Depensa naman ni Alabanza sa mga gastusin ng NGCP, iginiit niya na lehitimo ang lahat ng mga ito sa ilalim ng mga alintuntunin na ipinatutupad naman sa National Transmission Corp. (TransCo).

 

Taon 2009 na mapasakamay ng NGCP ang operasyon at pangangasiwa ng national transmission system mula sa TransCo bunga ng pagsasapribado ng power grid operations and maintenance.

 

Banggit pa nito ang bonuses ng kanilang mga empleado ay lehitimong gastusin dahil ito ay maituturing na “operational expense’ na kasama naman sa halaga ng produkto.

 

Ukol naman sa kinuwestiyon nilang “public relations and advertising expenses,” nilinaw ni Alabanza na hindi ito “marketing initiative,’ dahil ito ay “information campaign,” kasama na ang “safety and right of way clearance.”

 

Read more...