Taong 2023 hanggang 2033 idineklarang “Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas”

 

Inquirer file photo

 

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 2023 hanggang 2033 bilang “Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas.”

Bahagi ito ng pagsusulong ng administrasyon na palakasin pa ang nationalism ng mga Filipino, paggaling sa mga bayani at pagmamalaki sa mga accomplishment ng bawat isa.

Batay sa dalawang pahinang Proclamation No. 396 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Nobyembre 7, inaatasan ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na pangunahan, makipag-ugnayan at pangasiwaan ang paggunita sa “Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas.”

Inaatasan din ang NHCP na tukuyin ang mga programa, proyekto at aktibidad para sa selebrasyon nito.

“It is set to celebrate its centennial anniversary, marking 100 years since the establishment of its predecessor, the Philippine Historical Research and Markers Committee (PHRMC),” saad ng proklamasyon.

Hinihimok ang publiko na makiisa sa naturang programa.

 

Read more...